Pumanaw na ang manlalaro ng Memphis Grizzlies na si Brandon Clarke sa edad na 29, ayon sa opisyal na pahayag ng koponan nitong Martes.
Hindi pa inilalabas ang sanhi ng kanyang pagkamatay, ngunit nagpaabot ng pakikiramay ang NBA at mga kasamahan niya sa Memphis Grizzlies.
Kilala si Clarke bilang isang masipag na forward at naging bahagi ng NBA All-Rookie First Team noong 2020. Sa mga nakaraang season, nakaranas din siya ng ilang injury na nakaapekto sa kanyang paglalaro.
Ang biglaang pagpanaw niya ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa mundo ng basketball, lalo na sa mga tagahanga ng Grizzlies at NBA community.
Advertisement
Advertisement














