Tinanghal bilang NBA Most Valuable Player si Oklahoma City Thunder star guard Shai Gilgeous-Alexander.

Isinagawa ang anunsyo bago ang Game 7 sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Detroit Pistons.

Ito na ang pangalawang magkakasunod na MVP award na nakuha ni SGA.

Nag-average siya ng 31.1 points, 6.6 rebounds, 4.3 assists, at 1.4 steals sa season.

Advertisement

Ang 27-anyos na si Gilgeous-Alexander ay naging ika-14 na manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nakakuha ng back-to-back MVP awards.

Tinalo niya si Nikola Jokić ng Denver Nuggets na pumangalawa, at San Antonio Spurs star Victor Wembanyama.

Advertisement