Nagdulot ng pangamba sa mga tagahanga ng Argentina ang biglaang paglabas ni Lionel Messi sa laban ng Inter Miami kontra Philadelphia Union matapos itong humawak sa kanyang kaliwang binti at humiling ng substitution.
Sa ika-73 minuto ng laban, nakita si Messi na tila nakakaramdam ng pananakit sa kanyang kaliwang binti bago siya humiling na mapalitan.
Bagama’t nakalakad naman nang normal palabas ng field ang walong beses na Ballon d’Or winner, hindi pa malinaw kung seryoso ang kanyang pinsala o simpleng pag-iingat lamang.
Ayon kay Inter Miami coach Guillermo Hoyos, posibleng dulot lamang ng pagkapagod at kondisyon ng pitch ang naging desisyon na alisin si Messi sa laro.
Sa kabila ng insidente, nagwagi pa rin ang Inter Miami kontra Philadelphia Union sa iskor na 6-4.
Gayunman, nananatiling sentro ng usapin ang kondisyon ni Messi lalo na’t naghahanda ang Argentina para sa FIFA World Cup 2026 na magsisimula sa Hunyo 11.
Kung mapatutunayang seryoso ang kanyang pinsala, maituturing itong malaking dagok para sa defending world champions na Argentina.














