Mariing itinanggi ng Katolikong pari at human rights advocate na si Fr. Flaviano Villanueva ang alegasyon ng ilang indibidwal na nagpakilalang dating sundalo na umano’y tumanggap siya ng kickbacks mula sa mga proyekto ng flood control. Ang mga paratang ay inilahad sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes, Hunyo 4.
Ayon sa kanilang testimonya, sinabi nilang nakatanggap umano si Fr. Villanueva ng sobre na may lamang pera malapit sa isang simbahan sa Mindanao Avenue sa Quezon City. Inakusahan din nila siyang tumanggap ng maleta na naglalaman ng pera na umano’y ipinadala sa isang address na tinukoy bilang “33 Clemente.”
Matatandaang isa si Fr. Villanueva sa mga hayagang kritiko ng kampanya kontra droga ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang din siya sa mga naghain ng reklamong plunder laban kay Bise Presidente Sara Duterte noong Disyembre 2025.













