Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU) laban sa mga online message at liham na gumagamit ng logo ng DILG at National Barangay Operations Office (NBOO) nang walang pahintulot.

Ayon sa DILG, may mga natanggap na ulat tungkol sa mga liham na may pekeng paggamit ng mga naturang logo at humihiling ng sensitibong impormasyon sa pamamagitan ng email. Kabilang dito ang pagberipika ng address ng mga pribadong indibidwal, paghingi ng tulong sa paghahatid ng subpoena, writ of execution, default judgment, at mga kautusan kaugnay ng property garnishment.

Dahil dito, pinaalalahanan ng DILG ang mga opisyal ng barangay na tiyaking sumusunod sa wastong proseso bago magbigay ng anumang personal na impormasyon mula sa mga rekord ng barangay.

Binigyang-diin din ng ahensya na ang sinumang mapatutunayang gumagamit ng logo ng DILG at NBOO nang walang awtorisasyon ay maaaring managot sa ilalim ng mga kasong administratibo, sibil, at kriminal.

Advertisement
Advertisement