Nakapagtala ang PHIVOLCS ng kabuuang 1,158 aftershocks matapos ang malakas na magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao.
Sa bilang na ito, 328 aftershocks ang natukoy o na-locate, habang 28 naman ang naiulat na naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lakas ng mga naitalang aftershocks ay nasa pagitan ng magnitude 1.3 at 6.7.
Samantala, batay sa paunang datos, mahigit 77,000 indibidwal na ang naapektuhan ng lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Advertisement
Patuloy naman ang search, rescue, at retrieval operations kasunod ng matinding pinsalang dulot ng sakuna. Sa pinakahuling tala, umabot na sa 37 ang nasawi, daan-daan ang nasugatan, at apat na katao pa ang iniulat na nawawala.
Advertisement














