Binigyang-diin ng Naga City Agriculturist ang kahalagahan ng patuloy na suporta mula sa Department of Agriculture (DA) at lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagtulong sa mga magsasaka sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ernest Asence III, Acting Agriculturist ng Naga City, ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapalawak ang oportunidad para sa mga lokal na magsasaka, kabilang ang pagbibigay ng mga programa, teknikal na suporta, at mga makabagong teknolohiya para mapataas ang ani at kita sa agrikultura.

Ayon kay Asence, mahalaga ang paggamit ng modernong farming innovations upang mas mapabilis at mapabuti ang produksyon ng mga magsasaka. Kabilang dito ang paggamit ng mas episyenteng pamamaraan sa pagtatanim, pagpapahusay ng farm management practices, at pagpapakilala ng mga teknolohiyang makatutulong sa pagharap sa mga hamon sa sektor ng agrikultura.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng DA, lokal na pamahalaan, at mga komunidad upang matiyak na ang mga programa at serbisyo ay direktang makararating sa mga magsasaka.

Advertisement

Patuloy naman ang pagsisikap ng Naga City Agriculture Office na suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mga inisyatiba na naglalayong palakasin ang produksyon, itaguyod ang modernong pagsasaka, at mapanatili ang kaunlaran ng sektor ng agrikultura sa lungsod.

Advertisement