Umabot sa 199,293 metric tons ang kabuuang produksyon ng asin sa Pilipinas mula Enero hanggang Hunyo 2026, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR). Ayon sa ahensya, bunga ito ng pagpapatupad ng Development of Salt Industry Project (DSIP) na naglalayong palakasin ang lokal na produksyon at mabawasan ang pag-asa sa inaangkat na asin.

Kabilang sa mga nakinabang sa programa ang isang samahan ng mga mangingisda sa Barangay Tawagan Sur, Pagadian City, na matagumpay na nadagdagan ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng paggawa ng asin. Nagkaloob ang BFAR ng mga kagamitan at pasilidad upang mapataas ang kanilang produksyon.

Ayon sa BFAR, magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa mga komunidad sa baybayin upang mapalawak pa ang lokal na industriya ng asin, mapalakas ang kabuhayan ng mga mangingisda, at matugunan ang pangangailangan ng bansa sa asin.

Advertisement