Pumalag si Sen. Robin Padilla sa mga bumatikos sa kaniya matapos niyang amining isa siyang “komunista” sa ikalimang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Padilla, hindi sana naging malaking isyu ang kaniyang pahayag kung mas inalam muna ng publiko ang kaniyang mga kredensyal at pinagdaanan sa halip na agad siyang batikusin.

Iginiit ng senador na ang kaniyang rebelasyon ay bahagi ng kaniyang paninindigan at hindi dapat maging dahilan upang siya ay alipustain o husgahan.

“Kung binasa lang sana ang aking mga kredensyal at hindi agad ako binatikos, hindi na sana nakakagulat ang aking sinabi,” pahayag ni Padilla.

Advertisement

Nagpatuloy ang impeachment trial habang pinag-uusapan ang iba’t ibang isyu kaugnay sa mga pahayag at posisyon ng mga personalidad na sangkot sa paglilitis.

Advertisement