Kinumpirma ng Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office na walang beripikadong banta sa buhay ng mga personalidad sa Media sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga PCol Tyrone Dotimas, an Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nito na mas pinalakas ang hakbang ng pulisya upang masiguro ang seguridad ng mga Journalist matapos ang pambabaril sa isang Media Practitioner sa Probinsya ng Albay.
Ayon pa kay Dotimas, nagsagawa ang Camarines Sur Police Provincial Office sa Camp Col. Juan Querubin Miranda ng Security Awareness Meeting at Seminar tungkol sa Counter Intellegnce techniques para sa mga Journalist, upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga paraan upang maprotektahan ang kanilang seguridad habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho.
Kasali sa mga itinuro sa aktibidad an Surveillance Awareness at mga praktikal paraan upang matukoy, maiwasan ang posibleng mga peligro sa larangan ng pamamahayag.
Bukod sa opisyal na batayan ng pagsusuri ng mga Intelligence Officer, hindi pa natutukoy kung mayroong posibleng banta laban sa mga personalidad sa media sa probinsya.
Pinuri rin niya ang disiplina at propesyonalismo ng mga lokal na mamamahayag sa paghahatid ng tumpak na impormasyon sa publiko.
Samantala, nanawagan ang Provincial Director sa mga Mamamahayag na manatiling mapagmatyag at alerto sa pulisya para sa anumang uri ng banta o pananakot.
Mahalaga ang agarang pag-rereport at bukas na komunikasyon sa pakikitungo sa pulisya at media upang maiwasan ang anumang potensyal na panganib.













