Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 5,000 ream ng hinihinalang ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng tinatayang P3.5 milyon sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City, Bukidnon at Lanao del Sur. Isang delivery truck driver ang naaresto rin sa operasyon.

Sa Barangay Poblacion sa Quezon, Bukidnon, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga kahina-hinalang kahon ng sigarilyo sa loob ng bodega ng isang courier company.

Sa kabilang banda, isang truck driver naman ang dinakip sa Zamboanga City matapos mapansing walang nakalagay na kinakailangang Graphic Health Warnings sa kargamento nitong sigarilyo, na posibleng paglabag sa Republic Act No. 10643.

Patuloy namang sinusuri ang mga nasamsam na sigarilyo sa Lanao del Sur dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Advertisement

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga kinauukulang awtoridad ang mga nakumpiskang produkto bago ang pormal na turnover sa Bureau of Customs.

Advertisement