Kinondena ng Muslim World League (MWL) ang isinagawang airstrike ng Israel sa Nasser Medical Complex sa Gaza na ikinasawi ng anim na katao, kabilang ang ilang medical personnel.

Ilang iba pa ang naiulat na nasugatan sa naturang pag-atake.

Sa inilabas na pahayag, binatikos ng MWL ang pag-atake sa mga tent na nagsisilbing kanlungan ng mga sibilyan, gayundin ang paghihigpit sa pagpasok ng mga humanitarian aid sa Gaza.

Ayon kay Mohammed bin Abdulkarim Al-Issa, Secretary-General ng Muslim World League, hindi katanggap-tanggap ang mga naturang paglabag at nararapat lamang itong kondenahin.

Advertisement

Binigyang-diin din ng organisasyon ang pangangailangang protektahan ang mga sibilyan at tiyakin ang ligtas na pag-access ng mga humanitarian aid sa mga nangangailangan sa Gaza.

Advertisement