Umabot na sa 188 porsiyento ang kapasidad ng Emergency Room ng Ospital ng Maynila Medical Center nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 15, bunsod ng patuloy na pagdagsa ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.
Dahil dito, hinikayat ang publiko na magtungo sa iba pang kalapit na ospital na may sapat pang kapasidad upang matanggap ang mga pasyente at maiwasan ang matagal na paghihintay para sa pagpapagamot.
Samantala, nakahanda ang mga ambulansya ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department para tumugon sa pangangailangan ng paglilipat ng mga pasyente sa ibang pasilidad medikal.
Advertisement








