Sisimulan ni Pinay tennis star Alex Eala sa Auckland, New Zealand ang kaniyang kampanya sa 2027 season sa pagsabak sa ASB Classic na nakatakdang idaos sa Enero 4 hanggang 10.

Matapos ang holiday season, agad na babalik sa ensayo si Eala bilang paghahanda sa nasabing WTA 250 tournament.

Posibleng mapasama ang Filipina netter sa mga seeded player ng torneo dahil sa mataas nitong puwesto sa world rankings.

Advertisement

Kasalukuyang nasa ika-15 puwesto sa WTA rankings si Eala, ang pinakamataas na narating niya sa kaniyang karera bilang propesyonal na tennis player.

Hindi na rin bago kay Eala ang Auckland dahil nakalaro na siya sa naturang torneo noong Enero ng taong ito.

Dahil dito, inaasahang magiging masaya at sabik ang Pinay tennis sensation sa kaniyang pagbabalik sa New Zealand para muling sumabak sa matinding aksiyon sa korte.

Advertisement