Nanawagan ang lokal na tanggapan ng human rights organization na Amnesty International sa agarang pagpapalaya sa 300 nagprotesta kasunod ng pag-aresto sa mga ito sa kasagsagan ng kanilang pagkilos kaugnay ng pagbubukas ng ika-49 ASEAN Summit nitong Linggo, Nobyembre 15.Bumili ng Planner
Sa inilabas nitong pahayag, kinundena nito ang anila’y paggamit ng dahas ng kapulisan sa mga nakibilang sa protesta, maging sa mga mamamahayag na nagbabalita ng naturang pagkilos.
“From unlawfully restricting protesters to certain spaces to attacks on journalists, today the PNP once again showed that nothing has changed about its attitude towards its obligation to serve and protect civilians. It continues to only serve the interest of the state and the powerful few,” saad ni Amnesty Philippines Section Director Ritz Lee Santos III.
Dagdag pa ni Santos, ang paggamit ng dahas ng kapulisan ay kumakatawan sa kultura ng kawalan ng pananagutan na siya rin namang dahilan kung bakit idinadaan ng mga nagpoprotesta ang kanilang mga panawagan sa lansangan.
“This unnecessary and sometimes excessive use of force by the police against protesters represents the very systemic culture of impunity that protesters are out in the streets for,” ani Santos.
Kaugnay nito, nanawagan ang lokal na tanggapan ng Amnesty ang agarang at walang kundisyong pagpapalaya sa 300 nagprotesta na inaresto ng kapulisan.
“Amnesty Philippines is calling for the immediate and unconditional release of reportedly 300 protesters detained solely for exercising their right to freedom of expression and peaceful assembly, including the nine individuals arrested at Liwasang Bonifacio who were part of the march towards PICC where the opening of the ASEAN Summit is being held.”
Samantala, dinepensahan naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang panig.
Sa kanilang pahayag na inilabas, kaugnay ng mga naturang pag-aresto ang hindi pagsunod ng mga itong mag-disperse, maging ang pagkasa ng mga demonstrasyon na wala naman anilang kaukulang permit.
Dagdag pa nito, pangunahing tungkulin at prayoridad ng NCRPO ang pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng mga bumibisitang delegado.
Ayon pa rito, bagaman may karapatan anilang magsagawa ng mga protesta, hindi nito ibig sabihin na pahihintulutan ang paglabag sa batas at sa mga awtoridad.














