Napili ang British actor na si Robert Pattinson upang gumanap bilang bagong James Bond sa susunod na pelikula ng matagal nang sikat na spy franchise, kasunod ng pag-alis ni Daniel Craig sa nasabing papel.

Inanunsiyo umano ito ng Amazon MGM Studios. Si Denis Villeneuve, na nagdirek ng mga pelikulang Dune at Arrival, ang mangunguna sa pagdidirek ng bagong pelikula, habang si British screenwriter Steven Knight ang gagawa ng script.

Ibinahagi ni Pattinson na malaking karangalan para sa kaniya ang mapili sa naturang papel, na matagal na niyang pinapangarap na gampanan.

Umaasa naman ang mga producer na makaaakit ng mas maraming batang manonood, partikular na sa henerasyon ng Gen Z, ang pagganap ng aktor bilang James Bond.

Advertisement

Nakilala si Pattinson sa kaniyang pagganap bilang Edward Cullen sa Twilight film series, kasama ang American actress na si Kristen Stewart.

Advertisement