Pormal nang nanumpa bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema si dating Commission on Audit (COA) Chairperson Gamaliel A. Cordoba noong Nobyembre 19, 2026.
Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda ang seremonya ng panunumpa na ginanap sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema sa Maynila, na dinaluhan ng pamilya ni Cordoba, mga mahistrado at iba pang opisyal.
Pinalitan ni Cordoba si Associate Justice Amy Lazaro-Javier na nagretiro sa hukuman ngayong buwan.
Ayon sa Korte Suprema, mayroon siyang halos tatlong dekadang karanasan sa larangan ng batas, public administration at serbisyo sa gobyerno.
Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi siya bilang COA Chairperson mula 2022 hanggang 2026 at humawak din ng iba’t ibang posisyon sa Office of the President.
Naging direktor din siya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula 2008 hanggang 2009.
Si Cordoba ang ikatlong itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Associate Justice ng Korte Suprema sa ilalim ng kanyang administrasyon.














