Inanunsyo ng Miss Universe Organization o MUO ang mga host at commentators na mangunguna sa tatlong pangunahing gabi ng kompetisyon bilang bahagi ng ika-75 anibersaryo ng pageant sa Puerto Rico.

Pangungunahan nina Mario Lopez at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang grand finale sa Nobyembre 24, kung saan kokoronahan ang bagong Miss Universe.

Sasamahan sila nina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at Zuri Hall bilang commentators.

Magho-host naman si Miss Universe 2001 Denise Quiñones sa Preliminary Competition sa Nobyembre 22, kung saan maglalaban-laban ang mga kandidata para sa puwesto sa final round.

Advertisement

Mangunguna rin si Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera sa National Costume Competition sa Nobyembre 21, kung saan ipapakita ng mga kandidata ang mga kasuotang sumasalamin sa kultura at tradisyon ng kani-kanilang bansa.

Advertisement