Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga akusadong kasama ni dating house speaker Martin Romualdez.
Ayon sa NBI na isinagawa ni Felicito Cristobal Guevarra ang pagsuko nito sa Forbes Park sa Makati City.
Naging mapayapa at maayos ang pagsuko nito sa public corrumption division ng NBI.
Si Guevarra ay pangulo ng Samchan Foreign Exchange Corp na naging kasangkapan para sa kickbacks mula sa mga proyekto ng gobyerno na ang nakinabang ay si Romualdez.
Dagdag pa ng NBI na sa pamamagitan ng abogado nito ay inayos nila ang lugar kung saan ito susuko.
Sinundo ng NBI si Guevarra sa napag-usapang lugar sa Santuario de San Antonio Parish sa McKinley Road sa Forbes Park umaga nitong araw ng Huwebes, Nobyembre 19.
Kasabay din nito ay isinilbi ng NBI ang arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan Third Division dahil sa kasong plunder kay Guevarra ,Romualdez at ibang mga akusado.
Nagbunsod ang kaso mula sa umanoy P7.44 bilyon na kickbacks ng dating speakers na nakapaloob sa national budges mula 2022 hanggang 2025.
Nitong Biyernes ay isinumite ng NBI ang return of the warrant of arrest at personal na iprenisenta si Guevarra sa Third Division ng Sandiganbayan.
Kasunod ng pagsuko ni Guevarra ay pinatawan ng Office of the Ombudsman si Guevarra ng conditional immunity sa ilalim ng Section 17 ng Republic Act 6779 o ang Ombudsman Act of 1989.
Ang immunity ay ibinigay kay Guevarraa dahil sa testimonya at records nito ay mahalaga para lumabas ang katotohanan sa nasabing kaso.
Ayon sa Ombudsman na ang testimonya ni Guevarra bilang humawak ng Samchan ay makaktulong sa prosecution para malaman ang galaw ng pondo.
Magugunitang naibalik na rin ng Samchan sa Bureau of Treasury ang lahat ng kinita nito sa kuwestiyonableng transactions.














