Mas pinapaboran ng Commission on Elections o COMELEC ang pagtatalaga ng Officer-in-Charge o OIC kaysa magsagawa ng special elections upang punan ang mga nabakanteng posisyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ipinaliwanag nito na batay sa Local Government Code, ang alkalde ang maaaring magtalaga ng OIC sa mga posisyong nabakante dahil sa pagbibitiw ng mga opisyal.

Ayon kay Garcia, kung magkakaroon man ng special elections, ang lokal na pamahalaan ang sasagot sa gastusin nito dahil walang nakalaang pondo ang COMELEC para sa naturang halalan.

Sa kasalukuyan, ang pagtatalaga ng OIC ang nakikitang pansamantalang solusyon upang mapunan ang mga nabakanteng posisyon sa Barangay at SK.

Advertisement
Advertisement