Plano ng isang Chinese company na magtayo ng mga windmill sa dagat ng Pilipinas na idinisenyong makayanan ang matitinding bagyo upang makatulong sa pagkakaroon ng mas matatag na suplay ng kuryente sa bansa.

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang proyekto kasama ang mga opisyal ng Ming Yang Smart Energy Group sa Shenzhen, China noong Biyernes, sa sidelines ng APEC Summit.

Ayon sa kumpanya, may teknolohiya ang kanilang mga wind turbine na kayang makatiis sa lakas ng bagyong lampas sa Category 17.

Nilagdaan din ng dalawang panig ang isang kasunduan para sa pagtutulungan sa pagpapaunlad ng mga offshore wind energy project sa Pilipinas.

Advertisement

Kabilang sa plano ng kumpanya ang pagtatayo ng maintenance at repair facility sa bansa upang mapabilis ang pagseserbisyo at matiyak ang maayos na operasyon ng mga wind turbine.

Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapalawak ng paggamit ng malinis na enerhiya at pagpapalakas ng seguridad sa suplay ng kuryente, lalo na sa panahon ng malalakas na bagyo.

Advertisement