Kinumpirma ng Israel ang pagkakapatay kay Naeem Abu Nahel, pinuno ng internal security service ng Hamas, sa isinagawang pambobomba sa Gaza Strip.

Umabot sa pitong Palestino ang nasawi sa naturang airstrike na naganap sa Western Gaza City, kung saan pangunahing puntirya si Abu Nahel na nanungkulan sa naturang posisyon mula pa noong Setyembre.

Personal na kinumpirma nina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defence Minister Israel Katz ang pagkamatay ng opisyal ng Hamas.

Kabilang din sa mga nasawi ang isang binatilyo at ilang miyembro ng Hamas, habang marami pang iba ang nagtamo ng mga sugat.

Advertisement

Patuloy naman ang tensyon sa Gaza kasunod ng panibagong pag-atake ng Israel sa naturang lugar.

Advertisement