Nagsilbing host ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino at ang kaniyang anak na si Bimby sa taunang Christmas tree lighting ceremony sa Palasyo ng Malacañang.

Sa pagbubukas ng kaniyang spiel, hindi napigilan ni Aquino ang kaniyang pagiging prangka at mapagbiro nang banggitin ang kasaysayan ng dalawang pamilya sa pulitika ng bansa.

Aniya, tabla na sa ngayon dahil dalawang Marcos at dalawang Aquino na ang naging Pangulo ng Pilipinas, kaya sinabihan umano niya si Bimby na kailangan na niyang magmadaling gumaling upang siya naman ang bumasag sa naturang “tie.”Bumili ng Globo

Agad namang binawi ni Aquino ang kaniyang pahayag at sinabing “joke lang ‘yun” na nagdulot ng tawanan sa mga dumalo sa seremonya.

Advertisement

Naging magaan at masaya ang atmospera sa nasabing pagtitipon sa kabila ng matagal nang kasaysayan ng tunggalian sa pulitika ng mga Marcos at Aquino.

Bagama’t nananatiling sensitibo ang usapin ng kasaysayan at Martial Law para sa mga tagasuporta ng magkabilang panig, kapansin-pansin ang pagiging sibil at paghupa ng direktang bangayan ng dalawang angkan nitong mga nakaraang taon, kabilang na ang pagdalo ng ilang miyembro ng pamilya Aquino sa mga opisyal na okasyon at ang pagiging host sa Malacañang event.

Advertisement