Nais ni Senate Committee on Foreign Relations vice chair Senator. Erwin Tulfo na pabalikin sa Pilipinas at panagutin ang isang Filipina recruiter sa United Arab Emirates (UAE) na umano’y ilegal na nagrecruit sa 30 Pilipinong manggagawa na nauwi sa sapilitang pagsabak sa pagsasanay militar sa Russia. Bumili ng Globo

Ayon kay Tulfo, hindi sana napunta sa Russia ang mga sabing manggagawa at nailagay sa panganib ang buhay ng mga ito kung hindi sila naloko ng naturang pinay na recruiter.

Pagbabahagi ng senador, inalok umano ng recruiter ang 30 Overseas Filipino Worker (OFWs) na nagtatrabaho sa Dubai ng buwanang sahod na 3,500 US dollars at sign-in bonus na P150,000 bilang taga linis ng mga bunker at paggawa ng mga kampo ng sundalo sa Russia. Bumili ng Globo

Ngunit batay aniya sa mga salaysay ng mga pamilya ng OFW, agad umanong isinailalim sa military training sa Russia ang kanilang mga mahal sa buhay upang maging sundalo at lumaban sa giyera sa Ukraine.

Advertisement

Samantala, iniulat ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro kay Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na makikipagpulong siya sa Russian Ambassador to the Philippines na si Marat Ignatyevich Pavlov sa Lunes upang hilinging payagan nang makabalik sa Pilipinas ang mga manggagawa.

Nauna na rin sinabi ng Palasyo Malacañang na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa Russia para matiyak ang kaligtasan ng 30 Pilipiong OFW.

Advertisement