Ipinagtanggol ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang paglalagay ng pondo para sa mga multi-purpose building sa panukalang 2027 national budget na inaprubahan ng Kamara, dahil malaki umano ang pakinabang nito sa iba’t ibang pangangailangan ng mga komunidad.

Ayon kay Dy, ang mga pasilidad na ito ay maaaring magsilbing barangay hall o multi-purpose center, kaya dito inilalaan ng mga mambabatas ang limitadong pondo ng gobyerno bilang tugon sa hiling ng kanilang mga nasasakupan.

Iginiit niya na tungkulin ng mga kongresista na iparating sa pambansang pamahalaan ang partikular na pangangailangan ng kani-kanilang distrito.

Gayunpaman, kinuwestiyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang malaking alokasyon para sa konstruksyon ng mga nasabing gusali at ang hindi pantay na pamamahagi ng mga proyekto sa mga lokal na pamahalaan (LGU).

Advertisement

Nauna nang pinuna ni Lacson na karamihan sa mga ipinapanukalang multi-purpose building ay napupunta sa mas mayayamang LGU, habang mas kakaunting proyekto naman ang natatanggap ng mahihirap na lugar.

Advertisement