Agad na kumilos ang Philippine Coast Guard (PCG), sa pangunguna ng Coast Guard Station Misamis Occidental at mga sub-station nito, upang tumulong sa pagresponde sa sunog na naganap sa Barangay Baybay San Roque, Ozamiz City, Misamis Occidental noong Nobyembre 26, 2026.

Nag-deploy ang Coast Guard Station Misamis Occidental ng 30 tauhan mula sa Quick Response Team (QRT) upang tumulong sa pag-apula ng apoy at matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng naapektuhan ng insidente.

Bukod sa pagtulong sa operasyon laban sa sunog, nakiisa rin ang mga tauhan ng PCG sa paglikas ng mga pamilyang nasa panganib. Tinulungan din nilang ilipat sa mas ligtas na lugar ang mga personal na kagamitan at mahahalagang gamit ng mga residente.

Isinagawa ang rescue at relief efforts sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at mga emergency responder upang matiyak ang maayos at ligtas na pagresponde sa insidente.

Advertisement
Advertisement