Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang mga residente ng Gawad Kalinga Village matapos lumutang ang mga reklamo tungkol sa umano’y amoy ng cremation na kumakalat sa kanilang lugar.

Noong nakaraang linggo, nagsimulang magreklamo ang mga residente tungkol sa kakaiba at masangsang na amoy na, ayon sa kanila, ay nagmumula sa isang crematorium na malapit sa kanilang komunidad.

Sa pagbisita ng sa Gawad Kalinga Village kanina, tumanggi namang magbigay ng pahayag o panayam ang mga residente kaugnay ng isyu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Ferdinand Dehitta, ang punong barangay ng Balatas, agad nilang pinaimbistigahan ang naturang reklamo.

Advertisement

Dagdag pa ng opisyal, isa sa mga tinitingnan na rason dito ang mga sinunog na basura malapit sa sementeryo na hindi na sakop ng kanilang Barangay.

Nilinaw ng Kapitan na hindi nagpabaya ang konseho kung kaya’t agad na ipinatawag nito ang may ari ng isang funeral home at crimatorium sa kanilang Barangay upang masiguro na hindi nanggagaling sa kanila ang masamang amoy na inireeklamo ng mga residente.

Panawagan na lamang ng opisyal na matutong magsegregate ng basura ang mga residente at iwasan na sunugin ito dahil sa regular namang kinokolekta ng truch ang mga basura sa kanilang barangay.

Advertisement