Inihayag ni Sara Duterte na may ilang indibidwal na lumapit sa kaniya upang ipahayag ang interes na mapabilang sa magiging senatorial slate sakaling tumakbo siya sa pagkapangulo.
Ayon sa Bise Presidente, apat na personalidad ang personal na nagpaabot ng kanilang kagustuhan at sinabing kinokonsidera nila ang pagsuporta sa kaniya.
Gayunpaman, hindi niya isinapubliko ang mga pangalan ng mga nais sumama sa kaniyang magiging lineup para sa Senado.
Dagdag pa niya, patuloy pa rin niyang kinakausap at kinukumbinsi ang napili niyang kandidato upang tumakbong bise presidente bilang kaniyang ka-tandem.
Advertisement
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ni Duterte ang kaniyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028 Philippine presidential election.
Advertisement













