Inanunsiyo ng Austria ang pagbabawal sa paggamit ng social media para sa mga kabataan na edad 14 pababa, bilang tugon sa negatibong epekto ng mga platform sa mental at social na kalusugan ng mga bata.

Ayon kay Vice-Chancellor Andreas Babler ng Social Democrats, hindi na kayang tiisin ng gobyerno ang patuloy na epekto ng social media sa kabataan at mahalagang pangalagaan ang kanilang kapakanan. “Responsibilidad din ng mga pulitiko na protektahan ang mga bata,” ani Babler.

Ipinunto niya na ang labis na paggamit ng social media ay maituturing na uri ng adiksyon, katulad ng alkohol at tobacco.

Magugunitang ilang bansa sa Europa, kabilang ang Denmark, Greece, Spain, at Ireland, ay nagpasa rin ng mga batas na nagbabawal sa paggamit ng social media sa mga kabataan bilang hakbang para maprotektahan ang kanilang kalusugan at edukasyon.

Advertisement
Advertisement