NAGA CITY – Patay ang isang babae matapos na mabangga ng bus sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jemmalyn Vicente, 34-anyos, residente ng Zone 6, Sampaguita Iguildad Interior Naga City.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa kalsada ng mabangga ito ng bus na minamaneho ni Adel Glorioso, 57-anyos, residente ng Intertown homes Phase 5 Pagbilao sa nasabing lalawigan mula sa Lucena City patungo sa Cubao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa impact ng insidente, nagtamo ng head injury si Vicente na agad namang dinala sa opsital ngunit ideklara rin itong Dead on Arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.