NAGA CITY – Patay ang isang babae makatapos na mabangga ng motorsiklo sa Minalabac, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Juanita Pillosis, 58-anyos, residente ng Brgy. Sto. Niño sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid sa kalsada ang biktima ng bigla lamang dumating ang motoriklo na minamaneho ni Benigno Dela Torre, 57-anyos, sakay ang asawa nito na si Maribeth De Sierra-Dela Torre, residente ng Brgy. Sto. Niño, Bula, Camarines Sur, at dito na nito nabangga ang nasabing biktima.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima at ang mag-asawa na sakay ng nasabing motorsiklo na agad namang dinala sa pagamutan para sa asistensiya medikal.
Ngunit, ideklara ring dead-on-arrival ng mga doktor si Pillosis.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.