NAGA CITY- Naaagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang babae na nakasilid sa sako sa Zone 9, Barangay Poblacion, Pamplona, Camarines Sur.

Sa pakikipagpanayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Dulcesimo Alcantara Jr. Deputy Chief of Police kan Pamplona Municipal Police Station, sinabi nito na dakong alas-10 ng umaga kahapon, Hunyo 10, 2024 natagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima sa gitna ng palayan kung saan nakasilid ito sa isang sako na natatabunan ng mga dayami ng palay.

Ayon kay Alcantara, nakuha ang bangkay nito sa mismong pinangyarihan ng krimen.

Inamin naman ng opisyal na mahirip pang matukoy kung ilang araw na ang bangkay ng biktima sa lugar dahil naagnas na ito ngunit ayon din sa imbestigador, nasa humigit kumulang 60 taong gulang ang biktima.

Samantala, ang nasabi naman na insidente ng unang beses na naitala sa bayan.

Sa kabilang banda, wala rin umanong pumupunta sa kanilang opisina upang magreport na may nawawalang indibidwal, gayundin, wala rin umanong nagpaabot sa kanila na nakasaksi sa insidente. Ito’y dahil malayo sa kabahayang ang pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente gayundin ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng biktima at ang responsable sa krimen.