NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki sa Brgy. Cabutagan, Lupi, Camarines Sur.Kinilala ang biktima na si Renato Lodor, 34-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na base sa kwento ng asawa ng biktima, nag-uusap sila sa cellphone nang bigla na lamang nitong nahulog ang cellphone at naka rinig ito ng mga ungol.
Kaugnay nito, pinaki-usapan umano ng mismong asawa na kasalukuyang nasa ibang bansa ang kapatid nito na puntahan ang kaniyang asawa dahil mag-isa lamang ito sa bahay.
Agad naman na nag tungo ang nasabing kapatid sa bahay at doon na tumambad ang nakabulagta nitong katawan at wala nang buhay.
Samantala, naniniwala naman ang mga ito na heart attack ang dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.