Ipinamalas ni Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski ang kaniyang angking kumpiyansa at karisma sa swimsuit segment ng Miss Universe 2026 preliminary competition na ginanap sa Puerto Rico nitong Lunes, Nobyembre 23.

Kapansin-pansin ang kaniyang suot na blue two-piece swimsuit na may puting kapa, na likha ng Filipino designer na si Rian Fernandez. Bukod sa kaniyang eleganteng paglakad, hinangaan din ang kaniyang kumpas, pagpapakita ng parasela, at mga pulidong pag-ikot sa entablado.

Matatandaang kamakailan lamang ay ipinakita rin ni Windorski ang kaniyang national costume na nagbibigay-pugay sa mga kababaihan ng Kalinga. Ang kasuotan ay hango sa tradisyonal na pananamit na makikita sa kilalang Banga Dance.

Samantala, gaganapin naman ang pinakahihintay na coronation night ng Miss Universe 2026 sa Puerto Rico sa Nobyembre 25 (local time).

Advertisement
Advertisement