NAGA CITY- Kinompirma ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol ang unang kaso ng Coronavirus Desease sa Bicol Region.

Sa ipinaabot na impormasyon DOH – Bicol sinabi nito na dalawa umano sa nag positibo ay kasalukuyang naka admit ngayon sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital (BRTTH) sa Albay at isa naman sa Bicol Medical Center (BMC) sa Naga City.

Ayon dito ito ay si PH 765, 50-anyos lalaki at si PH 766 ay 53-anyos lalaki parehas na nasa probinsya ng Albay habang PH763 ay 48 –anyos na babae na nasa Camarines Sur.

Nakikipag ugnayan na umano ang DOH CHD-Bicol sa nasabing mga ospital at sa Local Government Units ng nasabing mga probinsya para sa contact tracing sa posibleng naka salamuha ng mga ito.

Samantala tiniyak naman ni Dr. Ernie V. Vera, Regional Director DOH CHD – Bicol sa publiko na mahigpit na ipapatupad ang strict infection control measures sa nasabing mga ospital.Top