NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang binata matapos na magpakamatay sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Andrey Rańon, 19-anyos, residente ng Purok Banaba, Barangay Caridad Ibaba sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang biktima ng kaniyang live-in partner sa loob ng kanilang nipa house na nakabigti.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na sinubukan pa umanong i-revive at dalhin sa pagamutan ang biktima ngunint ideklara rin itong dead-on-arrival ng doktor.

Ayon pa sa imbestigasyon, nakakaranas ng depresyon si Rañon matapos na magkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang kinakasama nito/

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.