NAGA CITY- Sugatan ang isang Barangay Tanod matapos mabangga ng motorsiklo sa Bula, Camarines Sur.

Kinilala ng biktima na si Antonio Blanqueta Jr., 52-anyos, residente ng Barangay Pawili sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang minamaneho ni Miguel Bacani, 29-anyos, ang kaniyang motorsiklo papunta sa Buhi nang aksidente nitong nabangga ang biktima na noo’y tumatawid naman sa kalsada.

Nagtamo ng mga sugat ang biktima na dinala naman sa ospital para sa agarang lunas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nakainom ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.