Courtesy: CNPPO PIO

NAGA CITY- Nakiisa ang Camarines Norte Police Provincial Office sa nakiisa sa ika-6 na Taunang Bisikleta Iglesia na may temang “Pedal for Passion: Bike, Pray and Repent” kahapon, Abril 17, 2025 kaugnay parin ng Semana Santa.

Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng kanilang misyon na mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng komunidad ngayong Semana Santa,

Ang taunang aktibidad na ito ay layuning bigyang-daan ang taimtim na pagninilay, pananalangin, at paggunita ng selebrasyon ng Semana Santa habang bumibisita sa mga simbahan gamit ang bisikleta.

Sa taong ito, pitong (7) simbahan sa lalawigan ng Camarines Norte ang binisita ng mahigit 150 kalahok, kasali na dito ang St. Joseph Husband of Mary Parish, Divine Mercy Parish Church of Daet, Church of St. Vincent Ferrer, St. Francis de Assisi Parish of Talisay, Most Holy Trinity Cathedral, Our Lady of Peñafrancia Parish at ang St. John the Baptist Parish of Daet.

Advertisement

Samantala, bukod sa espiritwal na layunin, isinusulong din ng aktibidad ang mga benepisyong pangkalusugan at pangkalikasan ng pagbibisikleta. Naging makabuluhan at makulay ang pagdiriwang dahil sa pakikiisa ng mga kabataan, kababaihan, mga kasapi ng NGO at GOs, mga opisyal ng barangay, at mga cycling enthusiasts mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Matagumpay na nagtapos ang Bisikleta Iglesia, dala ang di-malilimutang karanasan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pangangalaga sa kalusugan.

Advertisement