Nagbabala ang The Vatican sa isang breakaway Catholic group na nakatuon sa lumang Latin mass na maaari silang maharap sa excommunication kapag itinuloy nila ang planong pag-oordina ng mga bagong obispo nang walang pahintulot ni Pope Pope Leo XIV.

Ayon sa Vatican, ang planong ordinasyon ng Society of St. Pius X ay maituturing na “schism” o pormal na paghiwalay sa pamumuno ng Santo Papa.

Sa pahayag ni Cardinal Victor Fernandez, sinabi nitong ang naturang hakbang ay isang “grave offence against God” at magreresulta sa excommunication sa ilalim ng batas ng Simbahang Katolika.

Kilalang ultra-traditionalist group ang Society of St. Pius X na tumututol sa ilang pangunahing reporma ng Second Vatican Council noong 1960s, kabilang ang paggamit ng lokal na wika sa misa sa halip na Latin lamang.

Advertisement

Sa ilalim ng excommunication, itinuturing na hiwalay ang isang tao sa Simbahang Katolika at hindi maaaring tumanggap ng mga sakramento o humawak ng anumang posisyon sa simbahan hangga’t hindi nagsisisi.

Matatandaang na-excommunicate noong 1988 ang founder ng grupo na si Marcel Lefebvre matapos mag-ordina ng apat na obispo nang walang pahintulot ni Pope John Paul II.

Noong Pebrero, inanunsyo ng kasalukuyang liderato ng grupo na mag-oordina sila ng mga bagong obispo sa Hulyo kahit walang basbas ng Vatican, dahil umano sa pangangailangan ng dagdag na lider para sa kanilang organisasyon.

Advertisement