Paris 2024 Olympics - Artistic Gymnastics - Men's Floor Exercise Victory Ceremony - Bercy Arena, Paris, France - August 03, 2024. Gold medallist Carlos Edriel Yulo of Philippines celebrates on the podium. REUTERS/Mike Blake

Itinuturing ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na isang malaking hamon sa mundo ng gymnastics ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang katuwang sa paghusga sa mga kompetisyon.

Sa katatapos na 2026 World Artistic Gymnastics Championships, nabigo si Yulo na makapasok sa podium sa floor exercise at vault, dahilan upang hindi niya maidepensa ang mga titulong napanalunan noong 2025.

Sa kabila ng hindi pagkamit ng inaasam na resulta, sinabi ni Yulo na wala siyang pinagsisisihan sa kaniyang naging performance. Aniya, ibinigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya kaya wala siyang dapat sisihin.

Gayunman, inaasahan niyang kakailanganin niya ng mas maraming pagbabago at paghahanda sa kaniyang pagsasanay, lalo na ngayong nagsisimula nang gamitin ang AI bilang suporta sa mga hurado sa iba’t ibang torneo.

Advertisement

Sa ngayon, nakatuon ang gymnast sa mga kinakailangang adjustment upang higit pang mapahusay ang kaniyang performance at maihanda ang sarili para sa 2028 Los Angeles Olympics.

Advertisement