Mariing tinutulan ng China ang planong pagsisimula ng maritime border negotiations sa pagitan ng Japan at Pilipinas kaugnay ng delimitation ng maritime boundaries sa karagatan malapit sa Taiwan.
Kasunod ito ng pag-anunsyo ng Japan at Pilipinas na sisimulan nila ang pormal na usapin hinggil sa economic zone at continental shelf boundaries matapos ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa Tokyo.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning, ilegal at walang bisa umano ang naturang negosasyon dahil iginiit ng Beijing na sila ang may exclusive economic zone at continental shelf sa mga nasabing karagatan.
Sinabi rin ni Mao na naghain na umano ang China ng “solemn representations” o pormal na protesta laban sa Japan at Pilipinas kaugnay ng usapin.
Matatandaang mas lalong lumalalim ang ugnayan ng Maynila at Tokyo dahil sa pareho nilang alitan sa China hinggil sa mga territorial claims nito sa East China Sea at South China Sea.
Patuloy namang nagkakaroon ng tensyon sa rehiyon dahil sa mga komprontasyon sa pagitan ng Chinese vessels at mga barko ng Pilipinas at Japan sa mga pinag-aagawang karagatan.














