NAGA CITY- Patay ang isang dalaga matapos magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si alyas Corazon, 20-anyos, residente ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang walang ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang nakakabatang kapatid na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na kaagad dinala sa ospital si alyas Corazon pero ideneklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, batay naman sa salaysay ng ama nang biktima, ang kanyang anak ay dumaranas ng depression at brokenhearted umano ito bago mangyari ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing pangyayari.