NAGA CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal matapos ang nangyaring pananaksak sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSG. Arjunwel Sadia, Assistant PCAD ng Calabanga, Camarines Sur, sinabi nito na habang nagpapahingal ang biktima na kinilalang si alias “Benjamin”, 65-anyos, residente ng Brgy. Sogod, sa nasabing bayan sa labas ng isang barbershop nang dumating ang suspek na kinilalang si alias “Perfecto” na nasa impluwensiya ng alak at bigla na lamang sinaksak si alyas Benjamin.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng sugat sa kaliwang portion ng dibdib ang biktima.

Ayon pa kay Sadia, nakiusap kasi umano ang suspek sa biktima na iurong ang an kaso sa kanyang anak dahil isa umano si alyas Benjamin sa witness sa ginawang panggagahasa sa anak ng suspek noong 2021 kung saan sa ngayon ay nakakulong na rin.

Samantala, nang malaman ng anak ng biktima ang tinamo ng kanyang ama, ay agad naman itong gumati, pinalo umano nito ang suspek sa ulo gamit ang tubo na nagresulta sa pagkasugat naman kay alias Perfecto.

kaugnay nito, parehong nasa ospital ang biktima at ang suspek at patuloy na nagpapagaling habang ang anak naman ng biktima ay agad na sumuko sa mga kapulisan matapos ang insidente.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ng kanilang hepatura ang pamilya ni alias Benjamin upang agad rin na kasuhan si alias Perfecto.

Muli naman nagpaalala ang opisyal sa publiko na huwag ilagay ang batas sa sariling kamay upang hindi malagay sa alanganin na sitwasyon.