Nanumpa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Eduardo Oban Jr. bilang bagong National Security Adviser, kapalit ni Eduardo Año na nagretiro dahil sa health reasons.

Ayon sa Presidential Communications Office, layunin ng pagtalaga kay Oban na palakasin pa ang pambansang seguridad, depensa, at koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang isang malaya, mapayapa, at matatag na Pilipinas.

Inaasahang pangungunahan ni Oban ang mga pangunahing prayoridad sa national security at titiyak sa pagpapatuloy ng mga programa at hakbang ng pamahalaan para mapanatiling ligtas ang bansa.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagtapos si Oban sa Philippine Military Academy Class of 1979 at may malawak na karanasan sa military operations, defense planning, at national security. Nagsilbi rin siya sa Philippine Air Force bilang Deputy Chief of Staff for Plans (J5) at naging pinuno ng Visiting Forces Agreement Commission.

Advertisement
Advertisement