Itinuturing na kauna-unahang bilyonaryo sa larangan ng sports si dating England captain David Beckham, batay sa Sunday Times Rich List, kung saan tinatayang umabot sa mahigit $1.5 bilyon ang pinagsamang yaman nila ng asawang si Victoria Beckham.
Ayon sa ulat ng Sunday Times Rich List, nangunguna pa rin sa listahan ang pamilya ng dating Formula 1 boss na si Bernie Ecclestone na may tinatayang yaman na mahigit $2 bilyon.
Kasunod naman nila ang Beckham couple, na kinikilalang kauna-unahang bilyonaryo sa sports industry dahil sa pinagsamang kita mula sa football career, endorsements, at fashion business.
Samantala, nasa ika-pitong puwesto si Northern Ireland golfer Rory McIlroy na may tinatayang yaman na mahigit $440 milyon.
Kilala si David Beckham bilang brand ambassador ng ilang international sporting brands, habang si Victoria Beckham ay nakilala naman sa larangan ng fashion matapos ang kanyang pagiging miyembro ng grupong Spice Girls at pagtatayo ng sariling fashion label.
Patuloy na ipinapakita ng listahan ang paglago ng yaman ng mga dating atleta at celebrity sa pamamagitan ng negosyo, endorsements, at iba pang investment ventures.














