Ibinahagi ni ML Party-list Representative Leila de Lima ang mga larawan ng kanyang pagdalo sa misa para sa Truth, Justice, and Accountability kasama ang mga miyembro ng House prosecutors at House private prosecutors.

Ang misa ay pinangunahan ni Fr. Bong Sarabia at dinaluhan ng mga kalahok bilang bahagi ng kanilang paninindigan para sa katotohanan, katarungan, at pananagutan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni De Lima, “Nananalig po tayo na sa laban nating ito, mananaig ang katotohanan, katarungan, at pananagutan.”

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si De Lima kaugnay ng naturang pagtitipon, ngunit ibinahagi niya ang kanyang mensahe ng pananampalataya at paninindigan sa pamamagitan ng kanyang social media post.

Advertisement
Advertisement