NAGA CITY- Nag-allocate ng mahigit P5M halaga ng makinarya ang Department of Environment and Natural Resources DENR sa kada bayan sa buong Camarines Sur.
Ito’y kaugnay ng isinagawang Camarines Sur Agri Business Tourism Summit 2020 sa lungsod ng Iriga na may temang “Negosyo, Agrikultura Orgulyo ko”.
Sa naging pagharap ni Senator Cynthia Villar sa mga kagawad sa media sinabi nitong ang nasabing makinarya magagamit sa pagconvert ng mga basurang plastic sa mga school chairs.
Ayon kay Villar, ito’y makakatulong hindi lamang sa pagbawas ng plastic sa bansa maging aniya sa produksyon ng mga upuan sa mga paaralan.
Aniya, ito’y bahagi ng DENR 2020 plan on budget na magbigay ng makinarya sa lahat ng probinsya at lungsod sa buong Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ni Villar na lahat ng bayan sa buong bansa makakatanggap ng nasabing makinarya