NAGA CITY- Tiniyak ng Department of Education (DepEd) -Naga na susunod sila sa anumang magiging kautusan ng Central Office.

Ito ay may kaugnayan sa memorandum ni Education Sec Leonor Briones na hindi pagkansela sa mga graduation exercises ngunit ipinagpaliban lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Schools Division Supt. Manny De Guzman, sinabi nito na kung sakaling matapos na ang enhanced community quarantine (ECQ), magkakaroon muna ng pag-uusap ang mga PTA at mga School’s Heads tungkol sa nasabing graduation ng mga estudyante.

Ayon kay De Guzman, sa ngayon, wala pa naman aniya silang nabubuong bagong plano ngunit tiniyak nito na bukas parin ang ahensya na magkaroon ng seremonya ang mga magtatapos ngayong taon.