Photo © web

Posibleng makauwi sa Pilipinas sa loob ng isa hanggang tatlong linggo ang puganteng si Zaldy Co, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Ayon kay Remulla, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad sa Czech Republic para sa posibleng deportation ni Co, na itinuturing na isa sa mga sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects.

“Maybe in as little as one week, but it could take as long as three weeks. That depends on the DFA—they’re really the lead on this, not me; I’m just coordinating,” ani Remulla.

Gayunman, sinabi niya na may “minor complication” sa proseso ng pag-aresto dahil sa isyu ng dokumento ni Co, kabilang ang kanseladong pasaporte at kawalan umano nito ng valid travel papers nang maaresto sa Czech Republic.

Advertisement

Ipinaliwanag din ni Remulla na agad ipinaalam ng Department of Foreign Affairs sa mga awtoridad na si Co ay isang wanted person sa Pilipinas.

Sa oras ng kanyang pagdating sa bansa, sasailalim si Co sa kumpletong physical examination sa Camp Crame upang matukoy kung siya ay “fit to trial,” bago dalhin sa Sandiganbayan para sa arraignment at pagdinig kung ang kaso ay bailable.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkakaaresto kay Co sa Prague, Czech Republic, kasunod ng umano’y pagpasok nito sa bansa nang walang tamang dokumento at pagkakadetine sa mga awtoridad doon.

Advertisement