photo © web

Nananatili ang posibilidad na umabot sa P200 kada litro ang presyo ng diesel sa Pilipinas, ayon sa Department of Energy (DOE), ngunit umaasa ang ahensiya na hindi ito mangyayari.

Paglilinaw ni Energy Secretary Sharon Garin, hindi pa malinaw kung maaabot ang ganitong lebel ng presyo habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa tuluyan nang paghupa ng giyera sa Gitnang Silangan. Ayon sa kalihim, hindi kontrolado ng pamahalaan ang galaw ng presyo ng petrolyo mula sa pandaigdigang merkado hanggang sa local market.

Ayon kay Sec. Garin, base sa kasaysayan, hindi pa naabot ng presyo ng langis sa bansa ang P200 kada litro, ngunit dahil sa diktado ng global market, marami ang posibleng mangyari sa kalakalan ng langis. Dagdag niya, kahit biglang matapos ang giyera, hindi agad bababa ang presyo sa lokal na merkado dahil sa permanenteng pinsalang iniwan ng malawakang krisis sa petroleum industry sa buong mundo.

Kahapon, Abril 7, ipinatupad ng mga petroleum companies ang ikalimang double-digit price hike sa mga produktong langis, dahilan upang lumobo ang price range ng diesel mula P130 hanggang P170 kada litro.

Advertisement
Advertisement